Naging kontrobersyal ang posisyon ni Rizal sa paghihimasik sa bansang Espanya, maraming nagsasabi na siya ay isang Repormista o siya ay isang Rebolusyonaryo. Maaring siya ay isang repormista dahil sa kanyang hangarin ng assimilasyon ng bansang Espanya sa Pilipinas, maging parte o maaring gawing probinsya ng Espanya ang Pilipinas upang sagayon ay magkaroon na pantay na pagtingin at karapatan. Maaring isang rebolusyonaryo dahil sa kanyang pagsulat bilang pagtuligsa sa katiwaliang ginagawa ng mga prayle sa mga Pilipino.
Nabangit sa pilosopiya ni Rizal na ang Pilipinas ay hindi dapat pinapakinabangan ng mga mananakop sa ating bansa partikular ang bansang Espanya ang kanilang personal na interes kundi sa interes ng nasakop at ipairal ang wastong pamamahala at walang masamang hangarin kundi ang pasulong na hakbang ng ekonomiya at katayuan ng bansa. Ngunit nag-iba ang pananaw ni Rizal sa pagiging kolonyalismo ng bansang Espanya sa ating bansa dahil sa mga katiwalian, korupsyon, at pangsariling intensyon ng mga prayle ang kanilang hangarin. Yari ay gawing watak-watak ang mga Pilipino upang sagayon ay maiwasan ang pag - aalsa at sapat na edukasyon upang maging mangmang habang sa kanilang pamamahala. Ngunit hinangad ni Rizal anf edukasyon at nagpunta siya sa Europa upang maging dalubhasa sa medisina at kasabay ng kanyang pagiging dalubhasa ay ang pagkamulat ng mata niya sa kalaayaan at pagiging liberal na dapat sa Pilipinas ay umiiral. Upang matamo ng Pilipinas ay si Rizal ang gumawa ng mga hakbangin upang tuluyan matamo ng Pilipinas ang kinaasam-asam na kalayaan.
...Nasyonalismo at Pakabansa
Bago pa man dumating ang dayuhan sa ating bansa ay mayroon na tayong sariling wika, kultura at mga kaugalian ngunit hindi pa pumapasok ang konsepto ng nasyonalismo at pamamahal sa bansa. Nang dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay inihambing nito ang kanilang layunin at relihiyon sa ating native na relihiyon upang tuluyang makuha ang tiwala at interes ng ating mga ninuno. Tuluyang nabura ang ating sariling atin sa larangan ng wika, relihiyon at kultura.
Kung ating bibigyang pansin ang 3 stanza ng tula ni Rizal na sinulat noong siya ay bata pa, "Sa aking mga kabata"
"Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una"
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una"
Dapat nating bigyan importansya ang ating wika, sariling kultura, at kaugalian. Katulad ng wikang Espanyol ay kailangan natin bigkasin at sanayin. Nagbalik si Rizal sa Pilipinas upang siya mismo ang kumilos at ipakita na hindi lamang niya sa kanyang pagsulat ng Noli at Fili ang ginagawa niyang pag-aalsa kundi sa kanyang pagkilos at pagsasagawa ng mga hakbangin upang maimulat ang mga Pilipino sa katotohanang nangyayari sa kanilang paligid sa ilalim ng pamamahala ng mga prayle. Ayun sa sinulat ni Rizal sa El Filibustersimo ang pagbabalik ni Simoun sa galing ibang bansa upang maghiganti sa mga prayleng umapi at magising ang mamayang Pilipino.
...Karapatang Pantao
Dapat ay pantay pantay ang pagtrato sa bawat tao kahit ano pang nasyonalidad ito, mayaman man o mahirap. Si Rizal ay walang problema na maging kolonya ang Pilipinas basta itrato bilang kapantay ang mga Pilipino at sila ay mabigyan ng parehong oportunidad sa mga Kastila.
...Ekonomiya at Pagunlad ng Bansa
Ayon kay Rizal ang pagbabago ay magmumula sa mga Pilipino. Kailangan matugunan natin ang mga pangangailangan upang tuluyang makamtan ang inaasam na kalayaan. Edukasyon, hindi lamang sa paggamit ng dahas at pagdalak ng dugo ang kasagutan upang mahugis ang lipunan sa ilalim ng mga prayle kundi sa kaalaman at wastong pamamahala. Kaya ito ang unang hakbang ni Rizal upang maimulat ang mga Pilipino kundi din dahil ito ang magiging pundasyon o haligi ng ating lipunan patungo sa kaunlaran.
Ayon sa political na pilospiya ni Rizal, ang Pilipinas ay dapat pausbong sa kaunlaran hindi paatras, ang pagpapahalaga sa karapatan at kalayaan ng bawat isa, applikasyon ng reporma at paggawa ng batas na naayon sa lipunan, at tamang pamamalakad sa mamamayan. Tinuligsa ni Riza ang maling pamamaraan ng pamamahala ng mga prayle sa Pilipinas, ang sapilitang paggawa, ang sobrang pagtaas ng bayad ng buwis, pag-aabuso ng kapangyarihan tungo sa exploitasyon, diskriinasyon, ang pagtatanim ng takot gamit ang relihiyon, ginagawang ignorante ang mga Pilipino upang maiwasan ang pag-aalsa, at sa lahat ang pagiging alipin ng mga Pilipino. Tinukoy niya ito sa kanyang mga nasulat, makikita ito sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo halimbawa na lamang dito ang pagsisimba dahil ito ay isa lamang obligasyon na ginagawa ng mga Pilipino dahil utos ng mga prayle, nasaan ang kahulugan at "significance" para sa mga Pilipino?

Emil Pagkaliwangan
2 comments:
Labis ang pagmamahal ni Rizal sa ating bayan at Ekonomiya.Sa pilosopiyang ito ni Rizal makikita natin ang Pagkamakabayan nya.Kaya akin syang lubos na hinahangaan sa kanyang nasyonalismo.
Contributor, Junior Daclan
www. OurHappySchool.com

Post a Comment