Wednesday, August 27, 2008

Iba't Ibang Paningin kay Rizal

module 4

Maraming iba't ibang paningin ang umaahon tungkol kay Rizal. Ang iba ay tungkol sa kanyang pagkatao at paniniwala. Ang iba naman ay kung tao nga ba si Rizal o isang Diyos.
Mga kontrobersiya sa buhay/pagkatao ni Rizal.


#1


Maraming kontrobersiya ang bumabalot sa buhay ng ating pambansang bayani. Iba pa rito ay dumududa sa pagiging bayani niya. Kasama sa mga kontrobersiya ay kung nagbalik loob siya sa simabahan bago siya namatay. Ang una ay tungkol sa isyung si Rizal daw ay gumawa ng sulat na binabawi ang kanyang mga naisulat at na siya ay bumabalik na sa simbahan. Ito ay nagpapakita na an gating bayani ay walang isang salita o paninindigan at ang mga naniwala sa kanyang mga isinulat ay nalinlang lamang ngunit totoo nga ba ito? Ito ay hindi kapanipaniwala dahil ang mga ebidensiyang sumusuporta rito ay hindi mapagkakatiwalaan. Madaming iba't ibang bersyon ang sulat kaya't posibleng ito ay gawa gawa lamang. Si Rizal naman ay hindi talaga tumalikod sa simabahan. Ang kinakalaban niya at ng kanyang mga isinulat ay hindi ang simbahan kundi ang mga prayle.

Ito rin ay parte ng personal na buhay ni Rizal at walang kinalaman sa kanyang pagiging bayani. Ang kanyang relihiyon/paniniwala ay ayon sa sarili niyang kagustuhan at wala nang iba.


#2




Si Rizal ba ay isang rebolusyonista o repormista? Kahit labag sa kanyang kalooban, si Rizal ang ginamit ng Katipunan na simbolo ng kanilang pakikipaglaban. Hiningi din nila ang tulong ni Rizal ngunit hindi pumayag si Rizal. Nagkaroon tuloy ng pagdududa kay Rizal kung bakit ayaw niyang tulungan ang mga Pilipino na kalabanin ang mga Kastila. May mga ilan din ang nagtanong kung ano nga ba ang tunay na nais ni Rizal para sa bayan. Ang kasagutan dyan ay si Rizal ay nahahati sa dalawa. May parte sa kanya na isang rebolusyonista at meron din siyang halong repormista. Makikita ang kanyang pagiging rebolusyonista dahil hindi naman talaga niya tuluyang tinanggihan ang alok sa kanya ngunit ang sabi niya ay papayag lamang siya kung matupad ng mga Katipunan ang kanyang mga kondisyon. Makikita rito na handa siyang lumaban para sa kalayaan ng Pilipinas kung nakikita niyang nararapat na maging malaya na ang bayan. Makikita naman ang pagiging repormista niya dahil sang-ayon naman siyang maging kolonya ang Pilipinas basta't maituring na kapantay ng mga Kastila ang mga Pilipino. Kahit alin man siya sa dalawa, hindi parin maaalis ang pagnanais ni Rizal na magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanyang bayan at mga Pilipino.

#3







Si Rizal ba ay tao o Diyos? Sa ibang parte ng Pilipinas ay nakikilala ang mga Rizalista, sila ang mga naniniwalang si Rizal ay isang Diyos o ang kanilang tinatawag na kayumangging Kristo. Iniuugnay nila na lahat ng mga pangyayari at tinuturo ni Kristo ay makikita sa buhay ni Rizal. Mayroon daw tugma ang mga karanasan ni Rizal kay kristo pati ang kanilang pagkamatay at huling sinabi ay magkahawig. Sinasabi nilang si Rizal ay inihahambing kay kristo at ang mga kastila naman ang mga Romano.

Sa kabilang panig naman ay ang mga taong naniniwala na si Rizal ay hindi Diyos, hindi rin isang mabuting bayani kundi isang ordinaryong tao lamang. Sa iba't ibang sulok ng mundo ay may mga
ebidensiyang nagsasabing si Rizal ay isang babaero. Siya raw ay mahilig pumunta sa mga brothel at manood ng mga malalaswang palabas ng mga kababaihan. Si Rizal din daw ay mahilig magsugal kaya makikita sa mga ito na siya ay malabong maging isang Diyos at katulad natin, siya ay isang tao din na may mga bisyo.

Makikita natin sa mga kontrobersiyang ito na madaming pananaw ang mga tao tungkol kay Rizal. Hindi siya makikita sa isang perspektibo lamang kundi depende na sa mga tao. Ngunit importante nga ba talaga ito? Kahit aling panig ang kampihan, kahit ano pa ang maging paningin natin sa buhay ni Rizal, wala naman itong kabuluhan. Hindi nito mababago ang mga nagawa ni Rizal para sa Pilipinas. Ito ay personal na buhay niya at kahit ano pa ang paniwalaan natin ay ang
mga isinulat at ginawa ni Rizal ay malaking bahagi sa pagkakaroon ng kalayaan ng Pilipinas laban sa mga Espanyol.

Adrian Tan

No comments: