Wednesday, August 27, 2008

Pananaw ni Rizal sa mga Isyung Panlipunan

module 4

...Relihiyon/ Ugnayan ng Estado at Simbahan,
at sa Siyensya at Teknolohiya


Ayon sa aking pananaliksik tungkol sa buhay at pagkatao ni Rizal, aking natunghayan ang kapanapanabik na mga kabanata ng ating pinakamamahal na pambansang bayani na si Doktor Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas tanyag sa pangalang Jose Rizal na hinahangaan hindi lang sa ating sariling bayan kundi pati ng mga banyagang bansa dahil sa kanyang aking husay sa sining sa pagsusulat at sa kanyang tapang sa paglaban sa mga mananakop sa Espanyol.

Sa aspeto ng relihiyon, naging salungat ang kanyang paniniwala ukol dito. Mapapansin sa kantang mga nasulat na nobela, ito ay naka pokus sa pag-papahayag ng mga prayle. Unang-una hindi pabor si Rizal sa mga maling turo ng simbahan tulad ng pagbibigay ng indulgencia. Ang indulgencia ay ang pagbibigay ng mga tao sa simbahan katulad ng mga pera o mga kagamitan upang sila ay mapatawad sa kanilang mga kasalanan at makapunta sa langit. Ang isa pang ikinaiinis ni Rizal ay ang hindi patas o pantay na pakikitungo ng simbahan sa mga tao katulad ng ang mayaman lamang ang pwede mag simba at ang hindi pwede magkaroon ng posisyon ang mga pilipino sa simbahan.
Ukol sa ugnayan ng estado at simbahan, masasabi natin na ang simbahan ang may mas malaks na kapangyarihan kaysa sa pamahalaan o estado dahil ang simbahan ang nagkokolekta ng mga buwis at sila ang nagpapa-implementa ng batas dahil sila na rin ang nagpapataw ng parusa sa mga taong nagkasala. Masasabi natin na mali ang ginagawa ang simabahan dahil ginagawa nilang rason ang relihiyon at Diyos upang matakot ang mga tao at makuha ang kanilang mga loob para sa kaibubuti ng inang Espanya.



Dahil sa propesyon ni Rizal bilang isang doktor, masasabi natin na mataas ang pananaw niya sa siensya at teknolohiya. Malaki ang naging tulong sa kaniya nito sa paggagamot at pagtulong sa mga nangangailangan. Masasabi natin na ipinapahalagahan ni Rizal ang siensya at teknolohiya dahil inihahalintulad niya ito bilang isang hakbang upang umunlad ang isang bayan katulad ng kanyang natungahayan noong siya ay lumuwas patungong Europa, Amerika at iba pang mauunlad na bansa.Maihahambing natin ito sa ating kasalukuyang panahon ngayon na kung saan umuunlad ang mga bansang malakas o malikhain sa larangan ng siensya at teknolohiya na siyang nagpapaunlad at nagpapayaman sa isang bansa.

Jose Santos


...Edukasyon

Bukod sa Espanya na ating tinuturing kalaban, kamangmangan ang isa pang kalaban na ating bigyang pansin. Base sa ekspiryensa ni Rizal ay kailngan mahubog ang mga Piliino sa ilalim ng wastong edukasyon at opportunidad upang ito ay makamtan. Edukasyon sa Pilipinas noon ay hindi pasolong kundi paatras dahil gusto mapanatili ng Espanya ang kanilang pamumuno at dominasyon sa Pilipinas kaya pinanatili nilang watakwatak at maaring sabihin na "sapat" na edukasyon kundi sa mga Pilipino. Binigyan ng importansya ni Rizal ang pagbibigay ng edukasyon at isa ito sa hakbang na tinutungo ng mga Pilipino upang makamtan ang kanilang kina-aasam na kalayaan mula sa Espanya. Isa ito sa kanyang paraan upang ma-iumulat ang mga mata ng Pilipino sa nangyayari sa kanilang kapaligiran, konsepto ng liberalismo, kalayaan at pagkamtan ng kanilang mga pangarap.

Upang tuluyang lumaya ang Pilipinas sa dominasyon ng Espanya ay kailangan ng mga Pilipino ng wastong edukasyon upang magkaroon tayo ng kaalaman sa iba't-ibang aspekto ng lipunan, wastong pamamahala, pagpasan ng responsibilidad at mga natatanging solusyon sa mga
problema, at ang pinakaimportante sa lahat ay ang konsepto ng nasyonalismo. Nakasaad din sa kanyang mga kasulatan ang pagbibigay halaga ni Rizal sa edukasyon, sa Noli Me Tangere, isa sa mga hakbangin ni Ibarra ang makapagpatayo ng paaralan sa San Diego. Hindi lamang sa kasulatan ni Rizal makikita ang kanyang pagpapahalaga kundi sa kanyang pagbabalik ditto sa Pilipinas ay nagturo siya ng libre sa kanyang kapwa Pilipino. Para kay Rizal ang edukasyon ang magiging "motivating force" or "driving force" na magdadala sa mga Pilipinong nag-iisip sa kaunlaran at pagkakaisa.

Emil Pagkaliwangan



...Kababaihan at Usaping Pangkasarian



Sa panahon nila Rizal kung ating mapapansin, pagdating sa mga kababaihan sila ay konserbatibo, mahinhin, mapanitili ang pagiging malinis sa pangangatawan at pananampalataya sa relihiyon, at kailngang sa bahay lamang ang mga babae. Pagdating naman sa mga lalaki'y kailangan ang mapanatili ang pagiging matipuno at ang pagbibigay ng respeto/paggalang sa mga kababaihan. Ngunit batikos ni Rizal na hindi dapat ganito ang maging imahe ng mga kababaihan dito sa Pilipinas kundi malakas, may paninindigan sa sarili at karapatan. Halimbawa nito ang mga "Women of Malolos" na ipinaglaban nila na dapat ang mga kababaihan din ay makatanggap ng wastong edukasyon at makapagsalita ng wikang Espanyol, sila'y nagwagi sa kanilang argumento laban dito. Dapat tularan din ang mga kababaihan ng mga dayuhan katulad ng Amerika, Europa, at ang mga kababaihan sa Sparta.

Kung ating maalala ang sinulat ni Rizal na si Salome ang kasintahan ni Elias ang nagaaya na lumisan at sumama sa kanya, ngunit ng malaman ni Salome na ayaw sumama ni Elias ay siya nitong iniwan at lumisan. Makikita dito ang pagdedesisyon ng babae para sa kanyang sarili at hindi nagpapaapekto sa kanyang kapaligiran.

Ayon sa etikal na pilosopiya ni Rizal, tinuligsa niya ang tungkol sa pagpapakasal ng mga babae at lalaki ay hindi dapat sila nag-uugnay sa kadahilanan ng pera at kapangyarihan kundi pagmamahalan ang namamagitan sa dalawa. Isa isyu na tinuligsa ni Rizal ang pantay na pantay na pagtingin sa bawat kasarian, walang diskriminasyon dahil sa kasarian o pagiging "sexist", at pantay na karapatan sa pagitan ng babae at lalaki.

Emil Pagkaliwangan




...Rizal sa Kabataan

Nakasalalay ang kinabukasan sa mga kabataan, sapat na edukasyon at kalayaan ang magiging gabay nila sa pag-usbong ng lipunan. Sila ang nasa likod ng bawat pag-unlad at pamamahala sa hinaharap. Sa kanila nakasalalay ang bagong henerasyon na magdadala sa ating lipunan. Kung ating susuriin, nirerepresinta ni Basilio ang kabataan sa El Filibustersimo na binigyan ni Simoun ng kayamanan upang magamit sa kanyang pagtutustos sa pag-aaral. Binigay niya ito kay Basilio dahil nakasalalay sa kabataan sa katauhan ni Basilio ang kinabukasan ng lipunan. Sila ang ilaw na magsisilbing gabay sa lipunan sa darating na panahon.

Ang kabataan ang pag-asa ng bayan ngunit hindi sila nabibigyan ng sapat na kanilang pangangailangan. Hindi sila naaalagaan at karamihan ay hindi nakukuha ang karapatan nilang makapagaral. Sa karanasan mismo ni Rizal, makikita na hindi pantay ang pagtrato sa mga batang
Pilipino. Tama ang pananaw ni Rizal na ang kabataan ang susi para maging maunlad ang kinabukasan ng bansa at dapat silang bigyang pansin.

Emil Pagkaliwangan

4 comments:

Anonymous said...

Sa personal kung pananaw sa sa sinabi ni Dr. Jose Rizal, meron siyang punto sa isang banda na tama lang na ang mga kababaihan ay kung hindi malakas may paninindigan sa sarili at karapatan na makatanggap ng mga pangangailangan nila, ngunit hindi mawala ung imahe na sila ay mga kababaihan ng pilipinas.

Rheimarc Jude E. harris
Contributor, ourhappyschool.com

Unknown said...

Ako'y hanga at naniniwala sa mga sinabi ni Rizal sa larangan ng edukasyon na ang edukasyon ay susi ng kalayaan ng isang tao sa lahat ng aspeto ng buhay - pangkabuhayan, politika, at panglipunan. Kapag ang isang tao,y may pinag-aralan at kasanayan sa mga bagay na makakalikha ng pera, tiyak di siya maghihirap bagkus siya ay yayaman pa. Sa politika, sure na makaka pamili siya ng matino na lider at sa lipunan di siya maloloko dahil may pinag-aralan at kahit sa larangan ng espiritual, di o siya maloloko at madadaya sa maling katuruan sa Diyos dahil may batayan at 'yan ay ang Biblia. Tama ba mga kaibigan?

Unknown said...

Maling sabihin na ang Simbahan ang nag-utos ng kalupitan sa mga Pilipino noon. Unang una, ang Simbahan ay sumusunod sa absolutong monarkiya sa pamumuno ng Santo Papa, at walang Santo Papa sa 333 taong pananakop ng kastila sa Pilipinas ang nag-utos ng pagmamalupit sa mga Pilipino. Ang sinisi ni Rizal sa ganitong kasamaan ay ang mga prayle na umaabuso sa kanilang kapangyarihan. Hindi nya kailanman kinatatwa ang doktrina ng Simbahan kung ang mga pari. Inutos pa nga ng Hari ng Espanya na ituro ang wikang espanyol sa mga pilipino, bigyan sila ng tamang edukasyon, pero hindi pumayag ang mga pari. Sinabi nilang hindi bagay na turuan ang mga pilipino dahil mas epektibo sila sa pisikal na gawain. Hindi dapat sisihin ang Simbahan dahil ang mga pari mismo ang nagkusang magmalupit sa mga pilipino. Ang Doktrinang indulhensya ay iba sa nakasulat sa artikulong ito. Hindi humihingi ang Simbahan ng materyal na bagay upang maligtas ang isang tao. Ito lang ay ipinalabas ng mga pari noon upang makakuha ng salapi. Masasabi kong hindi mapapagkatiwalaan ang reperensyang ito dahil sa kakulangan sa pananaliksik ukol sa Simbahan.

Unknown said...

Maling sabihin na ang Simbahan ang nag-utos ng kalupitan sa mga Pilipino noon. Unang una, ang Simbahan ay sumusunod sa absolutong monarkiya sa pamumuno ng Santo Papa, at walang Santo Papa sa 333 taong pananakop ng kastila sa Pilipinas ang nag-utos ng pagmamalupit sa mga Pilipino. Ang sinisi ni Rizal sa ganitong kasamaan ay ang mga prayle na umaabuso sa kanilang kapangyarihan. Hindi nya kailanman kinatatwa ang doktrina ng Simbahan kung ang mga pari. Inutos pa nga ng Hari ng Espanya na ituro ang wikang espanyol sa mga pilipino, bigyan sila ng tamang edukasyon, pero hindi pumayag ang mga pari. Sinabi nilang hindi bagay na turuan ang mga pilipino dahil mas epektibo sila sa pisikal na gawain. Hindi dapat sisihin ang Simbahan dahil ang mga pari mismo ang nagkusang magmalupit sa mga pilipino. Ang Doktrinang indulhensya ay iba sa nakasulat sa artikulong ito. Hindi humihingi ang Simbahan ng materyal na bagay upang maligtas ang isang tao. Ito lang ay ipinalabas ng mga pari noon upang makakuha ng salapi. Masasabi kong hindi mapapagkatiwalaan ang reperensyang ito dahil sa kakulangan sa pananaliksik ukol sa Simbahan.