Isa sa mga pinakamatagal na ng pinaniniwalaan ng Pilipino ay tayo daw ay nagmula sa mga Negrito, Malay at Indones. Pinawiwinalaan natin na ang ating mga ninuno ay maliit, pandak, kulot ang buhok at pango ang ilong. Ito ang teorya ni Henry Otley Beyer na Wave of Migration Theory. Ngunit ito ba ay may sapat na patunay? Ang Pilipino nga ba ay galing sa mga Negrito, Malay o Indones? Wala bang sariling kultura ang mga Pilipino at ito’y mga hiram lang? Sa mahabang panahon, ito ay ginamit na batayan kung saan nanggaling ang mga Pilipino ngunit walang sapat na ebidensya para ito’y patunayan. Ang mga argumento ng ibang eksperto ay walang mga buto o kaya’y physical evidence para ito ay mapatunayan. At kahit na may buto man na magpapatunay ay hindi rin nito maipapakiata ang pisikal na itsura nito. Hindi nito masasabi ang kaanyuan kaya hindi rin ito magagamit na ebidensya. Isa pa ay wala naman talgang konkretong data para ito ay patunyan.
Pangalawang argumento ay parang ipinapakita nito na walang sariling kakayahan ang Pilipino na magkaroon ng sariling kultura at kailangan pang manghiram sa iba. Sinasabi ng Wave Migration Theory na walang kakayahan ang ating mga ninuno para gumawa ng sariling pamamaraan ng pamumuhay.
Kung ganoon man anu na dapat ang pinag-aaralan ng mga Pilipino kung saam sila nanggaling? Ang dapat basehan ay ang Theory of Evolution ni Charles Darwin. Dito maipapaliwanag ang mga naunang tao sa Pilipinas. Ang Tabon Man at ang Cgayan Mna. Ang Tabon Man ay naggaling sa Palawan. Ito ay pinaniniwalaang nabuhay noong 24,000-22,000 BCE. Ang ebidensya nito ay bungo at jaw fragments. Ang Cagayan Man naman, bagaman walang ebidensya na bungo katulad ng Tabon Man ay pinawiwinalaan dahil sa mga kagamitan na naggaling pa noong 750,000 BCE. Isa pa ang mga fossils ng hayop na nakita malapit dito.
Saan naman naggaling ang kultura ng mga sinaunang Pilipino?
Ang Pilipino ay hindi Malay kundi tayo ay mga Jocano o brown race. Ang kultura natin naman ay galing sa mga Austronesian. May dalawang paraan ang mga Austronesian upang dumaan sa Pilipinas. Ang Island Origin Theory ni Wilhelm Solheim na nagsasabi na sila ay mula ang mga Austronesian mula South to North at ang Mainlang Origin ni Peter Belwood.naman na kabaligtaran naman ang sinasabi. Malaki ang impluwensya ng mga Austronesian sa mga sinaunang Pilipino dahil tinuro nila ang pagtatanim, lenggwahe, paggawa ng bahay at barko, pottery at paggamit ng bato.
Matagal ng hindi pinawiwinalaan ng mga eksprto ang teorya ni Beyer ngunit patuloy pa rin itong itunuro sa mga paaralan ngayon lalong-lalo na sa mga elementarya. Hindi na dapat ito ginagamit pero dahil sa kakulangan ng kaaalam ng mga guro na hindi na ito tintanggap ay patuloy pa rin itong natutunan ng mga bata. Sana magawan ng paraan na ituro ang tama sa kabataan upang matapos na ang teoryang ang Pilipino ay kulot, maitim at pango ang ilong.
Matagal ng hindi pinawiwinalaan ng mga eksprto ang teorya ni Beyer ngunit patuloy pa rin itong itunuro sa mga paaralan ngayon lalong-lalo na sa mga elementarya. Hindi na dapat ito ginagamit pero dahil sa kakulangan ng kaaalam ng mga guro na hindi na ito tintanggap ay patuloy pa rin itong natutunan ng mga bata. Sana magawan ng paraan na ituro ang tama sa kabataan upang matapos na ang teoryang ang Pilipino ay kulot, maitim at pango ang ilong.
Dyan Esberto
2 comments:
yah...korek!!! i am really interested talaga... grabe katangahan nmn ng mga Dep ED sa Pilipinas...naturingang matatlino...
Bobo nmn... un tinuturo sa nga elementarya at sekondarya puro kamalian... bkit kya d nila i check... kc mga tamad....
ikaw naman....
huwag mung isisi sa deped ang problemang yan....well ginagawa nila ang kanilang tungkulin bilang tagagabay at tagapagbigay ng impormasyan at tulong sa mga estudyante,,hindi naman sila ang gumawa ng mga teoryang yan....
huwag ka ding magpopost ng kung anu anong mga balasubas na mga salita...dahil lahat ng sites ay ginawa para sa kabutihan ng lahat at for info dissemination only hindi para maging isang medium ng paglait at panghuhusga sa kung anumang ginagawa at hindi ginawa ng tao.....
tandaan mu kung sino ka man...
think before you click..
:D
Post a Comment