Monday, August 25, 2008

Pagkakabuo Ng Bansang Pilipino

module3
Pano Nabuo ang Bansang Pilipino?

Pano nga ba nabuo ang bansang Pilipino? Kelan pa natuto na maging Nasyonalismo ang isang Pilipino? Ito ay nagsimula nung panahon ng espanol at di niyo ba alam na naudyok ang pagiging nasyonalismo ng isang pinoy nung pagkabitay nila GOMBURZA. Ngunit di lang ito ang natatanging “driving force” para maging nasyonalismo at magaklas dahil marami pang ibang mga pangyayari na naguudyok sa Pilipino na magaklas tulad ng: 7 years war sa Europa na nagsimula sa inas.


Subalit bakit nga ba sa pagkabitay nila Gomburaza nagsimula ang pagaaklas at ang pagkakabuo ng nasyonalismo ng ating bansa na naging dahilan sa pagkakabuo ng bansang Pilipinas?

Ang sagot sa katanungan na iyon ay simple dahil sa kagagawan ng Espana na naging salik sa pagkakabuo ng pagiging Nasyonalismo ng isang Pilipino. Unang una pinaghiwalay ng mga Espanol ang mga Pilipino para hindi sila magkaisa at labanan ang Esapanol. Ang mga Pilipino ay pinaghiwahiwalay at nilagyan ng kanyakanyang stratipikasyon na nakaugnay sa kanilang tribo at sosyal status. Ginamit din ng mga Espanol ang rehilyon upang macontrol ang Pilipinas dahil ang mag Pilipino ay sadyang masunurin sa kanilang rehilyon.

Ito ang ilan sa mga salik na naging hadlang sa Pagkakabuo ng Bansang Pilipino. Ngunit kahit may mga salik, may mga pangyayaring na nakatulong na maudyok sa puso at diwa ng mga Pilipino ang kalayaan at magkaisa upang labanan ang mga Espanol. Nagkaroon ng “primary” na idea ang mga Pilipino ukol sa pagiging nasyonalsimo nung nagsimula mabukas ang Suez Canal dahil napadali at napaiksi ang oras ng pag layag ng mga barko papunta ng Espana at pabalik ng Pilipinas. Dahil dito mas napapadalas ang pagdating ng mga balita sa pilipinas galing sa Espana. Mas lumawak ang idea ng pagiging liberal ng Pilipinas nung nabukas ito para pandaigdigang pangangalakal. Dahil mas madameng bagay natutunan ang mga Pilipino tulad ng pageeksport, pagkakaroon ng commercial na agrikultura at dahil sa pag bukas ng Pilipinas sa buong mundo, mas nalaman nila ang katotohanan at nagkaroon sila ng mga bagong kaalamanan na dapat sila ang nagpapatakbo ng sarili nilang bansa.

Nung panahong iyon nagkaroon ang pilipinas ng “panggitnang-uri” dito nakikita ang mga mayayamang Pilipino at ang mga pamilya ng mga illustrados tulad ni Rizal at Del Pilar.

Sa aking nalaman nagsimula ang pagiging nasyonalismo ng Pilipino at ang pangyayaring nagudyok sakanila na gawin ito ay ang Pagkabitay nila GOMBURZA (Father Gomez, Burgos at Zamora) dahil sila ang mga pari na sumulat sa Espana para sa kalayaan ng mga Pilipino at hayaan sila magpatakbo ng bansang Pilipinas ngunit sila ay Kolonya padin ng Espana. Isa pang pangyayare ay ang kilusang Secular dahil ang mga Paring Secular ay tinanggalan ng karapatan ng Espana na mamuno sila sa mga simbahan at ang karapatang ito ay nabigay sa mga regular na pari. Ngunit di natanggap ng mga Secular na pari ito at sila ay naghimagsik at lumaban para sa equalidad ng mga pari na mamuno sa mga simbahan. Kahit mabagal ang proseso nakuha ng mga paring secular ang mga simbahan. Ito ang dalawang “pangunahing” pangyayari na nagudyok sa mga Pilipino na maghimagsik, magkaisa at lumaban para sakanilang bansa.

Ang kilusang reportmista naman ay nagsimula upang labanan ang Espana. Nabibilang dito ang mga bayaning tulad ni Jose Rizal at Marcelo Del Pillar. Dito nagsimula ang pilipinong pahayagan na ang La Solaridad at dito rin nangyare ang mga labanan ng mga Pilipino at espanol. Dahil sa mga kaguluhang nangyayare sa pilipinas hinangad ng Espana na gawin itong probinsya upang malabanan ang mga rebolusyonaryo.



Ngunit ang taong 1896 ang nagmarka bilang ang pagbuo ng bansang Pilipinas. Dahil ito ang simula ng isang rebolusyon. Ito ay nagsimula nung August 24, 1896. Nung una sila ay nagwawagi pero sila ay natatalo din. Nung December 30 1896 ang nagmarkang simula ng pagkakabuo ng bansang Pilipinas dahil sa pagkamatay ng isang tao, ang resulta ay ang paglabas ng pagmamahal ng mga tao sa Pilipinas. Ang pagkamtay ni Jose Rizal ang naglabas sa galit at nakatulong sa pagbukas ng mata ng mga Pilipino at buoin ang isang bansa, ang PILIPINAS.

Kenji Yamakawa

No comments: