Ginamit nila ang relihiyon sa pagsama samahin ang mga Pilipino sa kanilang kolonya. Sabi nga ng nakakarami “Christianity is their best legacy.” Sa kanilang paulit ulit na pinagkakalandakan na adhikaing “God, Glory and Gold”, nakumbinsi nila na ang mga Pilipino sa mga mabubuting dulot nito. Pinakita nila na pagkakawang gawa na ang Kristyanismo ay ipalaganap, na ang Diyos ang kasagutan sa kanilang mga hinaing at sari – sari pang pawing mga kasinungalingan lamang. At higit sa lahat, napaniwala nila ang mga tao na malinis ang intension ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Para silang nahipnotismo sapagkat ang ginamit lamang nila ang relihiyon upang makuha ang yaman ng ating bansa at maging tanyang sa ibang mga bansa sa pagsakop sa ating bansa. Maraming mga Pilipino ang itinakwil ang kanilang pamansantalang relihiyon at sumapi sa Kristianismo. Gayon pa man, mayroon ding mga Pilipinong di nagpaiibabaw sa impluwensya ng mga Espanyol.
Sapagkat may mga taong, di sumailalaim sa Kristyanismo, sila ay tinuring na parang salot ng lipunan. Kalimitan, sila ay yung mga nakatira sa mga bundok at hindi nakikisanib sa mga sinasagawa ng mga taong malapit sa simbahan o mga mananampalatay. Ang mga dating mga pinuno ng Barangay na mga Muslim ay pinangakuan ng kasaganaan kapalit ng pagsapi sa Kristyanismo. Kung titingnan natin, ito ay sinabi lang nila upang tuluyang ibigay ng datu ang kanilang mga nasasakupan sa mga Espanyol.
Sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkaloob ng Hari ng Espanya sa pamamagitan ng Consejo de las India sang buong pamamahala sa Gobernador y Capitan – heneral. Hindi maaring mailuklok sa posissyong ito ang isang Pilipino. Kabilang kanyang mga tungulin ay ang mga sumusunod:
- Ang pamunuan ang Real Audencia o Supreme Court,
- magplano ng gawaing pang –ekonomiya
- at pangasiwaan ang sandatahang pandagat at panlupa.
Ang mga Alcaldia(province) at Ayuntamiento(city) ay parehong pinamumunuan ng Alcalde Mayor. Gaya ng Gobernador Heneral, Espanyol lamang ang pedeng makapagkamit ng posisyong ito. Binabantayan nila ang mga encomienda, pede silang maging tapaghusga, pinuno ng kapulisan, taga- kolekta ng tributo. Sa madaling sabi, siya ang Capitan Heneral nga probinsya.
Ang pueblo(town) ay pinamumunuan ng gobernadorcillo(“little governor”) na kung saan siya ang naghahanda ng listahan ng magbabayad ng mga tribute, pagtatalaga ng mga trabaho, tagapaghusga ng mga maliliit na kaso. Siya ang nasususnod sa usapin sa pera, lupa, hustisya at sandatahan ng kanyang kinasasakupan. Siya ay may prebelehiyong hindi na muli pang magbayad ng buwis. Maaring tanghaling gobernadorcillo ang isang Pilipino o Intsik.
Ang pinakakamababang posisyon sa gobyerno sa pamumuno ng mga Espanyol ay ang Cabeza de Barangay. Pinamumunuan niya ang mga barangay o baryo. Siya ang taga-panatili ng kapayapaan at tag-hikayat sa mga lalaki sa nayon na makilahok sa pagagawa ng mga pampublikong pasilidad. Kapag nakapagsilbi siya bilang Cabeza de Barangay sa loob ng 25 taon, hindi na siya inoobliga na sumama pa sa polo y servicio.
Pagbabayad ng Buwis
Para magkaroon ng malaking kita nag gobyerno, nagpataw sila ng mga buwis sa iba’t ibang paraan. Ang “identity paper” ng mga Pilipino noon ay may karampatang buwis na pwedeng bayaran sa kahit anong paraan na nagkakahalagang 8 reales. Di kalaunan ito ay nagging 15 realeas. Ang sampo ay napapapunta sa gobyerno, ang isa ay sa kaban ng komunidad at ang natitirang 3 reales ay sa simbahan napapapunta. At may karagdagan pang isang real para sa tithes(diezmo prediales). Nangongolekta din sila ng bandala na kada taon mula sa naani ng mga Pilipino, isang halimbawa ay palay. Mayroon pang buwis na kinakaltas mula sa kinita ng isang mamamayan. Ang “identity paper na ito ay tinawag nang Cedula Personal na kung saan lahat ng mga Indio na may edad 18 to 60 ay kumuha at magbayad.
Polo y Servicio
Ito ay ang sapilitang pagtatrabaho ng mga kalalakihan sa loob ng 40 araw. Ang may edad 18 – 20 ay inoobliga na mabigay ng personal na serbisyo sa mga proyekto ng komunidad. Kailangan nilang magbayad ng falla na nagkakahalagang isa’t kalahating real kada araw. Noong 1884, sa halip na 40 araw, ginawa na lamang itong 15 araw.
Sistema sa Encomienda
Ito ay ang pamamahala ng lupa na kung saan ang isang Espanyol na tinatawag na Encomendero ay binibigyan ng karapatang mamahala sa kapirasong lupa pati na rin sa mga nakatira rito. Kailangan ng Encomendero na protektahan ang lupang nakaatas sa kanya, kasabay ng pagpapanatilin ng kapayapaan at kaayusan. Kapalit ng serbisyo nya, parte ng tributong kinokolekta nya ay napapapunta sa kanya at ang natitira ay mapupunta lahat sa simbahan.
Kalakalang Galleon, Manila – Acapulco
Ito ay ang pakikipagkalakalan ng mga Intsik at Espanyol sa Maynila at Espanyol sa Mexico. Nagdulot ito ng pag – unlad ng ekonomiya. Gayon pa man, mayroon itong masamang naidulot dahil ang mga ibang pagkakakitaan ay hindi napagtuunan ng pansin dahil sa kalakalang Galleon at masyadong nagagamit ang pwersa ng mga tao sapolo y servicio kaysa sa mga ibang pagkakakitaan.
Royal Society of Friends of the Country
Bilang pagsunod sa utos na magtayo ng “society of intellectuals” na makakapagbigay ng bagong at kapaki – pakinabang na mga idea, itinatag ni Jose de Basco y Vargas ang Real Sociedad Economica de Amigos del Pais. Ito ay kinabibilangan ng mga nagpipitagang negosyante ng bansa at mga iba pang mga personalidad na mahusay sa kanilang larangan. Inatasan silang magsaliksik at gamitin ang mga yaman ng bansa kaya nabuo ang Plan General Economico ni Basco na kung saan ang monopoly sa areca nut, tabako, alak at pampasabog ay ipinatupad. Nagbigay ito ng daan para magkaroon ng panglokal at banyagang iskolarsyip at pagsasanay sa agricultura pati na rin ang pagtatag ng akademya ng disenyo.
Royal Company of the Philipines
Noong Marso 10, 1875, binuo ni Charles III ang Royal Philippine Company na pinapalooban ng kasunduan sa 25 taon. Binibigyang prebilehiyo na itatag ang monopoly sa Maynila sa Pilipinas at ang mga produkto ng Instik at Indiano ay direktang ipapadala sa Espanya sa pamamagitan ng Cape of Good Hope. Ito ay sinalungat ng ibang bansa , Englatera at Britania, dahil nakita nila na ito ay isang diraktang pag – atake sa mga kalakalan ng mga Asyanong produkto. Ito din ay sinalungat ng mga taong nakikinabang sa kalakalang Galleon dahil parang kinakalaban nito ang kanilang pangangalakal. Ang mga argumentong ito ang nagging sanhi ng unti – unting pagkawala ng Royal Philippine Company at kalakalang Galleon.
...Ang Transpormasyon ng Lipunang Pilipino sa Ilalim ng Pananakop ng Esapanya at Bahagyang Hispanisasyon
Sa loob ng 300 taon, hindi maikukubling naapektuhan ng kolonyalismo ng Espanya ang mga gawi ng mga Pilipino. Kahit mayroong pagtutol, nakikita pa rin natin na ang mga Pilipino ay natututo na ring gamitin ang kultura ng mga Espanyol . Unang – una na dito ang pagtatayo natin ng bahay na bato na hindi maikukubling pinasimulan ng mga Espanyol. Nakasanayan na rin ng mga Pilipino ang mga lutuing Espanyol pati na rin ang uri ng kanilang pananamit. Gumagamit na rin ang mga Pilipino ng Gregorian Calendar, skriptong Latin, Theocentric art, musika, literature at estilo ng edukasyong libre ngunit sapilitan.
Sa kabila ng lahat ng ito, ang mga Pilipino ay hindi lubusang hispanisado kahit pa maraming pagbabago ang naganap. Nananaig pa rin ang kulturang Pilipino na kahit gano man katagal ang Pilipinas na nasakop, hindi ito mawawala sapagkat ito ay likas na.
2 comments:
thank you!
salamat po sa post nyo!! :)
Post a Comment