Ang Kodigo ni Maragtas, Kodigo ni Kalantiao, at PrinsesaUrduja ay ilan lang sa mga bagay na pinwiwinalaan pa rin hanggang ngayon. Ano nga ba talaga ang mga ito? May katotohan ba talaga ang mga iyan?
Sinasabi sa Kodigo ni Maragtas ay may sampung datung Borneo ang umalis sa kanilang bansa at napadpad sa Panay. Binili ng mga Borneong datu, isa na dito si Datu Puti, ang tabing-dagat sa mga Aeta sa pamamagitan ng gintong salakot at arinola at binigyan pa ang asawa ng Datu ng mga Aeta isang mahabang kwintas.
Sinasabi sa Kodigo ni Maragtas ay may sampung datung Borneo ang umalis sa kanilang bansa at napadpad sa Panay. Binili ng mga Borneong datu, isa na dito si Datu Puti, ang tabing-dagat sa mga Aeta sa pamamagitan ng gintong salakot at arinola at binigyan pa ang asawa ng Datu ng mga Aeta isang mahabang kwintas.
Ang Kodigo ni Maragtas ay nanggaling kay Pedro MonteClaro na binigay daw sa kanya ang Kodigo ni Maragtas. Ang argumento sa Kodigo ni Maragtas ay hindi na ito mabasa dahil halos nabubura na ang mga nakasulat dito. Base din ito sa isang lumang kwento mula sa Panay. May mga salitang ginamit dito na nagkaroon lang noong dumating ang mga Kastila tulad ng maize at piƱa. Kaya naman ang Kodigo ni Maragtas ay ikinukonsiderang pekeng dokyumento lamang.
Nakalagay naman sa Kodigo ni Kalantiao ay ang parusang binibigay ng isang tinatawag na Lakan Tiao o Raha Kalantiaw sa sinumang nagkakasala sa kanyang nasasakupan. Isa sa parusang ito ay ang parusang pagkakapgat sa mga langgam kung hindi bibigyang respeto ang patay. Ang pagtataksil naman sa asawa ay may parusang katayin at ipakain sa mga buwaya.
Hindi kapani-paniwala ang Kodigo ni Kalantiao dahil, una, ang Pilipino ay hindi ganoon karahas. Ang karaniwang parusa noong panahon bago dumating ang mga banyaga ay ang pag-aalipin o pagpapataw ng utang. Sunod, mahirap ito intindihin dahil na rin ito ay kakaibang paraan ng pagpaparusa. Ang Kalantiao Code ay hindi totoong dokyumento.
Si Princesa Urdula ay isang princesang galing Tawilisi at pinamunuan ang Pangasina. Siya ay isang matapang na babae dahil ipinagtatanggol niya ang kanyng nasasakupan sa mga banyaga. Sinasabi rin na hindi siya matalo ng mga lalake dahil sa sobrang galing niyang makipaglaban. Kaya rin daw hindi siya ikinasal ay dahil na rin doon. Maruno din daw magsalita ng Turkish at magbasa ng Koran.
Hanggang sa kasalukuyan, walng konkretong ebidensya na totoong may Urdujang namuno sa Pangasinan. Kahit si Rizal na ay hinanap ang Tawilisi, ay hindi ito nahanap. Meron ngang Urduja na nagsasalita ng Turkish ngunit siya ay taga-Turkey na asawa ni Sultan Uzbeg-khan. Si Urduja ngayon ay isa na lamang alamat at cartoon character.
Hindi totoo sina Datu puti at ang iba pang Borneong datu. Ang Kodigo din ni Kalantiao at mararahas niyang parusa ay hindi na rin kapani-paniwala. Si Prinsesa Urduja na tinitingnan na bayani ng ilan ay ngayon alamat na lang. Ang katotothan ay hindi sila totoo.
Dyan Esberto
No comments:
Post a Comment