Thursday, August 28, 2008

Special Thanks

This site is made in partial fullfillment of the requirements for KASPIL1. This serves as a portfolio of all the modules in that course.

We would like to acknowledge the source of all the images in this site. They are the following:

Google images
Flickr images

Also, we would like to thank Mr. Arleigh Ross dela Cruz for being the mentor of the group.

Wednesday, August 27, 2008

The Management

Editor in Chief :
Emil Pagkaliwangan


Full Time Writers:
Jose Santos
Jijo Santos
Dyan Esberto
Kenji Yamakawa
Adrian Tan


Creative Director:
Veronica Mirano

Pilipinas sa Ilalim ng Kolonyalismong Espanyol

module3

...Kolonisasyon at Ebanghelisasyon Tungo sa Konsolidasyon at Integrasyon


Ginamit nila ang relihiyon sa pagsama samahin ang mga Pilipino sa kanilang kolonya. Sabi nga ng nakakarami “Christianity is their best legacy.” Sa kanilang paulit ulit na pinagkakalandakan na adhikaing “God, Glory and Gold”, nakumbinsi nila na ang mga Pilipino sa mga mabubuting dulot nito. Pinakita nila na pagkakawang gawa na ang Kristyanismo ay ipalaganap, na ang Diyos ang kasagutan sa kanilang mga hinaing at sari – sari pang pawing mga kasinungalingan lamang. At higit sa lahat, napaniwala nila ang mga tao na malinis ang intension ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Para silang nahipnotismo sapagkat ang ginamit lamang nila ang relihiyon upang makuha ang yaman ng ating bansa at maging tanyang sa ibang mga bansa sa pagsakop sa ating bansa. Maraming mga Pilipino ang itinakwil ang kanilang pamansantalang relihiyon at sumapi sa Kristianismo. Gayon pa man, mayroon ding mga Pilipinong di nagpaiibabaw sa impluwensya ng mga Espanyol.

Sapagkat may mga taong, di sumailalaim sa Kristyanismo, sila ay tinuring na parang salot ng lipunan. Kalimitan, sila ay yung mga nakatira sa mga bundok at hindi nakikisanib sa mga sinasagawa ng mga taong malapit sa simbahan o mga mananampalatay. Ang mga dating mga pinuno ng Barangay na mga Muslim ay pinangakuan ng kasaganaan kapalit ng pagsapi sa Kristyanismo. Kung titingnan natin, ito ay sinabi lang nila upang tuluyang ibigay ng datu ang kanilang mga nasasakupan sa mga Espanyol.


...Balangkas ng Pamahalaang Kolonyal ng Pilipinas


Sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkaloob ng Hari ng Espanya sa pamamagitan ng Consejo de las India sang buong pamamahala sa Gobernador y Capitan – heneral. Hindi maaring mailuklok sa posissyong ito ang isang Pilipino. Kabilang kanyang mga tungulin ay ang mga sumusunod:

  • Ang pamunuan ang Real Audencia o Supreme Court,
  • magplano ng gawaing pang –ekonomiya
  • at pangasiwaan ang sandatahang pandagat at panlupa.

Ang mga Alcaldia(province) at Ayuntamiento(city) ay parehong pinamumunuan ng Alcalde Mayor. Gaya ng Gobernador Heneral, Espanyol lamang ang pedeng makapagkamit ng posisyong ito. Binabantayan nila ang mga encomienda, pede silang maging tapaghusga, pinuno ng kapulisan, taga- kolekta ng tributo. Sa madaling sabi, siya ang Capitan Heneral nga probinsya.

Ang pueblo(town) ay pinamumunuan ng gobernadorcillo(“little governor”) na kung saan siya ang naghahanda ng listahan ng magbabayad ng mga tribute, pagtatalaga ng mga trabaho, tagapaghusga ng mga maliliit na kaso. Siya ang nasususnod sa usapin sa pera, lupa, hustisya at sandatahan ng kanyang kinasasakupan. Siya ay may prebelehiyong hindi na muli pang magbayad ng buwis. Maaring tanghaling gobernadorcillo ang isang Pilipino o Intsik.

Ang pinakakamababang posisyon sa gobyerno sa pamumuno ng mga Espanyol ay ang Cabeza de Barangay. Pinamumunuan niya ang mga barangay o baryo. Siya ang taga-panatili ng kapayapaan at tag-hikayat sa mga lalaki sa nayon na makilahok sa pagagawa ng mga pampublikong pasilidad. Kapag nakapagsilbi siya bilang Cabeza de Barangay sa loob ng 25 taon, hindi na siya inoobliga na sumama pa sa polo y servicio.




...Mga Patakarang Pang-ekonomiya at Panlipunan g Espanya sa Pilipinas

Pagbabayad ng Buwis


Para magkaroon ng malaking kita nag gobyerno, nagpataw sila ng mga buwis sa iba’t ibang paraan. Ang “identity paper” ng mga Pilipino noon ay may karampatang buwis na pwedeng bayaran sa kahit anong paraan na nagkakahalagang 8 reales. Di kalaunan ito ay nagging 15 realeas. Ang sampo ay napapapunta sa gobyerno, ang isa ay sa kaban ng komunidad at ang natitirang 3 reales ay sa simbahan napapapunta. At may karagdagan pang isang real para sa tithes(diezmo prediales). Nangongolekta din sila ng bandala na kada taon mula sa naani ng mga Pilipino, isang halimbawa ay palay. Mayroon pang buwis na kinakaltas mula sa kinita ng isang mamamayan. Ang “identity paper na ito ay tinawag nang Cedula Personal na kung saan lahat ng mga Indio na may edad 18 to 60 ay kumuha at magbayad.



Polo y Servicio


Ito ay ang sapilitang pagtatrabaho ng mga kalalakihan sa loob ng 40 araw. Ang may edad 18 – 20 ay inoobliga na mabigay ng personal na serbisyo sa mga proyekto ng komunidad. Kailangan nilang magbayad ng falla na nagkakahalagang isa’t kalahating real kada araw. Noong 1884, sa halip na 40 araw, ginawa na lamang itong 15 araw.



Sistema sa Encomienda


Ito ay ang pamamahala ng lupa na kung saan ang isang Espanyol na tinatawag na Encomendero ay binibigyan ng karapatang mamahala sa kapirasong lupa pati na rin sa mga nakatira rito. Kailangan ng Encomendero na protektahan ang lupang nakaatas sa kanya, kasabay ng pagpapanatilin ng kapayapaan at kaayusan. Kapalit ng serbisyo nya, parte ng tributong kinokolekta nya ay napapapunta sa kanya at ang natitira ay mapupunta lahat sa simbahan.



Kalakalang Galleon, Manila – Acapulco


Ito ay ang pakikipagkalakalan ng mga Intsik at Espanyol sa Maynila at Espanyol sa Mexico. Nagdulot ito ng pag – unlad ng ekonomiya. Gayon pa man, mayroon itong masamang naidulot dahil ang mga ibang pagkakakitaan ay hindi napagtuunan ng pansin dahil sa kalakalang Galleon at masyadong nagagamit ang pwersa ng mga tao sapolo y servicio kaysa sa mga ibang pagkakakitaan.



Royal Society of Friends of the Country


Bilang pagsunod sa utos na magtayo ng “society of intellectuals” na makakapagbigay ng bagong at kapaki – pakinabang na mga idea, itinatag ni Jose de Basco y Vargas ang Real Sociedad Economica de Amigos del Pais. Ito ay kinabibilangan ng mga nagpipitagang negosyante ng bansa at mga iba pang mga personalidad na mahusay sa kanilang larangan. Inatasan silang magsaliksik at gamitin ang mga yaman ng bansa kaya nabuo ang Plan General Economico ni Basco na kung saan ang monopoly sa areca nut, tabako, alak at pampasabog ay ipinatupad. Nagbigay ito ng daan para magkaroon ng panglokal at banyagang iskolarsyip at pagsasanay sa agricultura pati na rin ang pagtatag ng akademya ng disenyo.



Royal Company of the Philipines


Noong Marso 10, 1875, binuo ni Charles III ang Royal Philippine Company na pinapalooban ng kasunduan sa 25 taon. Binibigyang prebilehiyo na itatag ang monopoly sa Maynila sa Pilipinas at ang mga produkto ng Instik at Indiano ay direktang ipapadala sa Espanya sa pamamagitan ng Cape of Good Hope. Ito ay sinalungat ng ibang bansa , Englatera at Britania, dahil nakita nila na ito ay isang diraktang pag – atake sa mga kalakalan ng mga Asyanong produkto. Ito din ay sinalungat ng mga taong nakikinabang sa kalakalang Galleon dahil parang kinakalaban nito ang kanilang pangangalakal. Ang mga argumentong ito ang nagging sanhi ng unti – unting pagkawala ng Royal Philippine Company at kalakalang Galleon.




...Ang Transpormasyon ng Lipunang Pilipino sa Ilalim ng Pananakop ng Esapanya at Bahagyang Hispanisasyon

Sa loob ng 300 taon, hindi maikukubling naapektuhan ng kolonyalismo ng Espanya ang mga gawi ng mga Pilipino. Kahit mayroong pagtutol, nakikita pa rin natin na ang mga Pilipino ay natututo na ring gamitin ang kultura ng mga Espanyol . Unang – una na dito ang pagtatayo natin ng bahay na bato na hindi maikukubling pinasimulan ng mga Espanyol. Nakasanayan na rin ng mga Pilipino ang mga lutuing Espanyol pati na rin ang uri ng kanilang pananamit. Gumagamit na rin ang mga Pilipino ng Gregorian Calendar, skriptong Latin, Theocentric art, musika, literature at estilo ng edukasyong libre ngunit sapilitan.


Sa kabila ng lahat ng ito, ang mga Pilipino ay hindi lubusang hispanisado kahit pa maraming pagbabago ang naganap. Nananaig pa rin ang kulturang Pilipino na kahit gano man katagal ang Pilipinas na nasakop, hindi ito mawawala sapagkat ito ay likas na.



Veronica C. Mirano

Kodigo ni Maragtas, Kodigo ni Kalantiao, at PrinsesaUrduja:Ang Katotohanan

modeule2

Ang Kodigo ni Maragtas, Kodigo ni Kalantiao, at PrinsesaUrduja ay ilan lang sa mga bagay na pinwiwinalaan pa rin hanggang ngayon. Ano nga ba talaga ang mga ito? May katotohan ba talaga ang mga iyan?


Sinasabi sa Kodigo ni Maragtas ay may sampung datung Borneo ang umalis sa kanilang bansa at napadpad sa Panay. Binili ng mga Borneong datu, isa na dito si Datu Puti, ang tabing-dagat sa mga Aeta sa pamamagitan ng gintong salakot at arinola at binigyan pa ang asawa ng Datu ng mga Aeta isang mahabang kwintas.

Ang Kodigo ni Maragtas ay nanggaling kay Pedro MonteClaro na binigay daw sa kanya ang Kodigo ni Maragtas. Ang argumento sa Kodigo ni Maragtas ay hindi na ito mabasa dahil halos nabubura na ang mga nakasulat dito. Base din ito sa isang lumang kwento mula sa Panay. May mga salitang ginamit dito na nagkaroon lang noong dumating ang mga Kastila tulad ng maize at piña. Kaya naman ang Kodigo ni Maragtas ay ikinukonsiderang pekeng dokyumento lamang.

Nakalagay naman sa Kodigo ni Kalantiao ay ang parusang binibigay ng isang tinatawag na Lakan Tiao o Raha Kalantiaw sa sinumang nagkakasala sa kanyang nasasakupan. Isa sa parusang ito ay ang parusang pagkakapgat sa mga langgam kung hindi bibigyang respeto ang patay. Ang pagtataksil naman sa asawa ay may parusang katayin at ipakain sa mga buwaya.

Hindi kapani-paniwala ang Kodigo ni Kalantiao dahil, una, ang Pilipino ay hindi ganoon karahas. Ang karaniwang parusa noong panahon bago dumating ang mga banyaga ay ang pag-aalipin o pagpapataw ng utang. Sunod, mahirap ito intindihin dahil na rin ito ay kakaibang paraan ng pagpaparusa. Ang Kalantiao Code ay hindi totoong dokyumento.


Si Princesa Urdula ay isang princesang galing Tawilisi at pinamunuan ang Pangasina. Siya ay isang matapang na babae dahil ipinagtatanggol niya ang kanyng nasasakupan sa mga banyaga. Sinasabi rin na hindi siya matalo ng mga lalake dahil sa sobrang galing niyang makipaglaban. Kaya rin daw hindi siya ikinasal ay dahil na rin doon. Maruno din daw magsalita ng Turkish at magbasa ng Koran.

Hanggang sa kasalukuyan, walng konkretong ebidensya na totoong may Urdujang namuno sa Pangasinan. Kahit si Rizal na ay hinanap ang Tawilisi, ay hindi ito nahanap. Meron ngang Urduja na nagsasalita ng Turkish ngunit siya ay taga-Turkey na asawa ni Sultan Uzbeg-khan. Si Urduja ngayon ay isa na lamang alamat at cartoon character.

Hindi totoo sina Datu puti at ang iba pang Borneong datu. Ang Kodigo din ni Kalantiao at mararahas niyang parusa ay hindi na rin kapani-paniwala. Si Prinsesa Urduja na tinitingnan na bayani ng ilan ay ngayon alamat na lang. Ang katotothan ay hindi sila totoo.


Dyan Esberto

Mga Sinaunang Pilipino

module 2




Sa mata ng Kastila noon, ang Pilipino ay hindi sibilidado, walang alam, at hindi marunong makisama. Ito ang pinawiwinalaan kaya marami rin ang mali ang tignin sa mga Pilipino. Ngunit totoo ba ito?

Una sa lahat, maraming ebidensya upang ito’y pabulaanan. Ang Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila ay may sarili nang paraan ng pamumuhay. Sila ay naghahanapbuhay, may sariling gobyerno, stratipikasyon ,relihiyon, at kultura. Nagkakaroon na rin sila ng relasyon sa ibang bansa partikular na ang Tsina.
Ang hanapbuhay noong panahon bago dumating ang Kastila ay ang depende kung saan nakatira ang mga tao. Kung ang tao’y taga-bundok, ang karaniwan nilang hanapbuhay ay pagtatanimo kaingin. Kapag naman malapit sa dagat ay nangingisda, boatbuilding, o pearl diving.

Karaniwan sa mga Pilipino noong panahon na iyon ay ginugrupo sila sa isang baranggay. Ang baranggay ay pinamumunuan ng mga Datu. Mula 30 hanggang 100 daan pamilya ang nasa baranggay. May sarili rin silang batas na ipinapatupad ng datu o kaya ng conseho ng matatanda.

Sa isang baranggay, and datu ang pinakamataas at pinakamakapangyarihan sa lipunan. Sunod ang Maharlika o mga mayayaman at tumtayo ring mga tagapagtanggol ng baranggay. Ang timawa ang pangatlo. Sila ang malayang tao. Ang pinakamababa naman ang mga alipin na may dalawang klase. Ang aliping namamahay na may sariling kaanak, tahanan at naglilinkod lang kung kailang siya kailangan ng kanyang may-ari. Samantala, ang aliping sagigilid naman ay walang sariling pagmamay-ari. Nagiging alipin ang isang tao dahil naipoit siya sa paglalaban ng dalawang baranngay o kaya’y dahil sa pagkautang.

Ang sinasamba ng sinaunang Pilipino ay ang kalikasan o relihiyong anoismo. Naniniwala rin sila kay Bathalang Maykapal o kaya’y Apo na kinukonsidera nilang diyos. Ang mga anito rin at mga diwata ay kanila ring pinaniniwalaan. Ang babaylan naman ang kanilang priestess o kaya’y spiritual doctor.

May mga katibayan din sa pagkaartistiko ng sianunang Pilipino. Ito ay mapapatunayan sa labi ng kanilang kagamitan at sandata. Mahilig ding magsulat ang mga Pilipino patunay nito ang 10000 epico na kanilang naisulat. Sa pamamagitan ng baybayain ang unang alpabeto ng mga Pilipino ay ipinapakita nila ang galing sa paniikan.

Isa sa malaking ebidensya sa pagiging sibilisado ay ang mga tala ng Intsik na pumupunta sa Pilipinas upang makipagpalitan ng mga gamit. Dalawa sa pinakapinwiwinalaan ay ang Chu Fan Chih at Tao-I-Chi-Lioh. Ang karaniwang pinpalit ng mga Tsino ay porcelain, ginto, at mga alahas. Ang Pilipino naman ay bulak, perlas at mga spices.

Hinding-hindi makakaila na may sarili ng paraan ng pamumuhay ay mga Pilipino bago pa man sakupin ng mga Kastila. Kaya ikaw ay magtataka, kung hindi dumating ang mga Kastila, ay ano kaya ang maari nangyari sa sa mga Pilipino? Hindi man natin maisasagot iyan ay dapat nating isipin na ang Pilipino ay likas na palakaibigan, masipag at sibilidado.

Dyan Esberto

Ang Wave of Migration Theory, Dapat pa bang Paniwalaan??

module 2



Isa sa mga pinakamatagal na ng pinaniniwalaan ng Pilipino ay tayo daw ay nagmula sa mga Negrito, Malay at Indones. Pinawiwinalaan natin na ang ating mga ninuno ay maliit, pandak, kulot ang buhok at pango ang ilong. Ito ang teorya ni Henry Otley Beyer na Wave of Migration Theory. Ngunit ito ba ay may sapat na patunay? Ang Pilipino nga ba ay galing sa mga Negrito, Malay o Indones? Wala bang sariling kultura ang mga Pilipino at ito’y mga hiram lang? Sa mahabang panahon, ito ay ginamit na batayan kung saan nanggaling ang mga Pilipino ngunit walang sapat na ebidensya para ito’y patunayan. Ang mga argumento ng ibang eksperto ay walang mga buto o kaya’y physical evidence para ito ay mapatunayan. At kahit na may buto man na magpapatunay ay hindi rin nito maipapakiata ang pisikal na itsura nito. Hindi nito masasabi ang kaanyuan kaya hindi rin ito magagamit na ebidensya. Isa pa ay wala naman talgang konkretong data para ito ay patunyan.

Pangalawang argumento ay parang ipinapakita nito na walang sariling kakayahan ang Pilipino na magkaroon ng sariling kultura at kailangan pang manghiram sa iba. Sinasabi ng Wave Migration Theory na walang kakayahan ang ating mga ninuno para gumawa ng sariling pamamaraan ng pamumuhay.

Kung ganoon man anu na dapat ang pinag-aaralan ng mga Pilipino kung saam sila nanggaling? Ang dapat basehan ay ang Theory of Evolution ni Charles Darwin. Dito maipapaliwanag ang mga naunang tao sa Pilipinas. Ang Tabon Man at ang Cgayan Mna. Ang Tabon Man ay naggaling sa Palawan. Ito ay pinaniniwalaang nabuhay noong 24,000-22,000 BCE. Ang ebidensya nito ay bungo at jaw fragments. Ang Cagayan Man naman, bagaman walang ebidensya na bungo katulad ng Tabon Man ay pinawiwinalaan dahil sa mga kagamitan na naggaling pa noong 750,000 BCE. Isa pa ang mga fossils ng hayop na nakita malapit dito.

Saan naman naggaling ang kultura ng mga sinaunang Pilipino?

Ang Pilipino ay hindi Malay kundi tayo ay mga Jocano o brown race. Ang kultura natin naman ay galing sa mga Austronesian. May dalawang paraan ang mga Austronesian upang dumaan sa Pilipinas. Ang Island Origin Theory ni Wilhelm Solheim na nagsasabi na sila ay mula ang mga Austronesian mula South to North at ang Mainlang Origin ni Peter Belwood.naman na kabaligtaran naman ang sinasabi. Malaki ang impluwensya ng mga Austronesian sa mga sinaunang Pilipino dahil tinuro nila ang pagtatanim, lenggwahe, paggawa ng bahay at barko, pottery at paggamit ng bato.

Matagal ng hindi pinawiwinalaan ng mga eksprto ang teorya ni Beyer ngunit patuloy pa rin itong itunuro sa mga paaralan ngayon lalong-lalo na sa mga elementarya. Hindi na dapat ito ginagamit pero dahil sa kakulangan ng kaaalam ng mga guro na hindi na ito tintanggap ay patuloy pa rin itong natutunan ng mga bata. Sana magawan ng paraan na ituro ang tama sa kabataan upang matapos na ang teoryang ang Pilipino ay kulot, maitim at pango ang ilong.

Dyan Esberto

feeling blue?


click the image to enlarge
image source: google images

created by: rizal's creative media advertizing inc.

*vee*

Iba't Ibang Paningin kay Rizal

module 4

Maraming iba't ibang paningin ang umaahon tungkol kay Rizal. Ang iba ay tungkol sa kanyang pagkatao at paniniwala. Ang iba naman ay kung tao nga ba si Rizal o isang Diyos.
Mga kontrobersiya sa buhay/pagkatao ni Rizal.


#1


Maraming kontrobersiya ang bumabalot sa buhay ng ating pambansang bayani. Iba pa rito ay dumududa sa pagiging bayani niya. Kasama sa mga kontrobersiya ay kung nagbalik loob siya sa simabahan bago siya namatay. Ang una ay tungkol sa isyung si Rizal daw ay gumawa ng sulat na binabawi ang kanyang mga naisulat at na siya ay bumabalik na sa simbahan. Ito ay nagpapakita na an gating bayani ay walang isang salita o paninindigan at ang mga naniwala sa kanyang mga isinulat ay nalinlang lamang ngunit totoo nga ba ito? Ito ay hindi kapanipaniwala dahil ang mga ebidensiyang sumusuporta rito ay hindi mapagkakatiwalaan. Madaming iba't ibang bersyon ang sulat kaya't posibleng ito ay gawa gawa lamang. Si Rizal naman ay hindi talaga tumalikod sa simabahan. Ang kinakalaban niya at ng kanyang mga isinulat ay hindi ang simbahan kundi ang mga prayle.

Ito rin ay parte ng personal na buhay ni Rizal at walang kinalaman sa kanyang pagiging bayani. Ang kanyang relihiyon/paniniwala ay ayon sa sarili niyang kagustuhan at wala nang iba.


#2




Si Rizal ba ay isang rebolusyonista o repormista? Kahit labag sa kanyang kalooban, si Rizal ang ginamit ng Katipunan na simbolo ng kanilang pakikipaglaban. Hiningi din nila ang tulong ni Rizal ngunit hindi pumayag si Rizal. Nagkaroon tuloy ng pagdududa kay Rizal kung bakit ayaw niyang tulungan ang mga Pilipino na kalabanin ang mga Kastila. May mga ilan din ang nagtanong kung ano nga ba ang tunay na nais ni Rizal para sa bayan. Ang kasagutan dyan ay si Rizal ay nahahati sa dalawa. May parte sa kanya na isang rebolusyonista at meron din siyang halong repormista. Makikita ang kanyang pagiging rebolusyonista dahil hindi naman talaga niya tuluyang tinanggihan ang alok sa kanya ngunit ang sabi niya ay papayag lamang siya kung matupad ng mga Katipunan ang kanyang mga kondisyon. Makikita rito na handa siyang lumaban para sa kalayaan ng Pilipinas kung nakikita niyang nararapat na maging malaya na ang bayan. Makikita naman ang pagiging repormista niya dahil sang-ayon naman siyang maging kolonya ang Pilipinas basta't maituring na kapantay ng mga Kastila ang mga Pilipino. Kahit alin man siya sa dalawa, hindi parin maaalis ang pagnanais ni Rizal na magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanyang bayan at mga Pilipino.

#3







Si Rizal ba ay tao o Diyos? Sa ibang parte ng Pilipinas ay nakikilala ang mga Rizalista, sila ang mga naniniwalang si Rizal ay isang Diyos o ang kanilang tinatawag na kayumangging Kristo. Iniuugnay nila na lahat ng mga pangyayari at tinuturo ni Kristo ay makikita sa buhay ni Rizal. Mayroon daw tugma ang mga karanasan ni Rizal kay kristo pati ang kanilang pagkamatay at huling sinabi ay magkahawig. Sinasabi nilang si Rizal ay inihahambing kay kristo at ang mga kastila naman ang mga Romano.

Sa kabilang panig naman ay ang mga taong naniniwala na si Rizal ay hindi Diyos, hindi rin isang mabuting bayani kundi isang ordinaryong tao lamang. Sa iba't ibang sulok ng mundo ay may mga
ebidensiyang nagsasabing si Rizal ay isang babaero. Siya raw ay mahilig pumunta sa mga brothel at manood ng mga malalaswang palabas ng mga kababaihan. Si Rizal din daw ay mahilig magsugal kaya makikita sa mga ito na siya ay malabong maging isang Diyos at katulad natin, siya ay isang tao din na may mga bisyo.

Makikita natin sa mga kontrobersiyang ito na madaming pananaw ang mga tao tungkol kay Rizal. Hindi siya makikita sa isang perspektibo lamang kundi depende na sa mga tao. Ngunit importante nga ba talaga ito? Kahit aling panig ang kampihan, kahit ano pa ang maging paningin natin sa buhay ni Rizal, wala naman itong kabuluhan. Hindi nito mababago ang mga nagawa ni Rizal para sa Pilipinas. Ito ay personal na buhay niya at kahit ano pa ang paniwalaan natin ay ang
mga isinulat at ginawa ni Rizal ay malaking bahagi sa pagkakaroon ng kalayaan ng Pilipinas laban sa mga Espanyol.

Adrian Tan

Mga Pampulitika at Pang-ekonomiyang Pananaw at Pilosopiya ni Rizal

module 4

...Kolonyalismo/Imperyalismo












Naging kontrobersyal ang posisyon ni Rizal sa paghihimasik sa bansang
Espanya, maraming nagsasabi na siya ay isang Repormista o siya ay isang Rebolusyonaryo. Maaring siya ay isang repormista dahil sa kanyang hangarin ng assimilasyon ng bansang Espanya sa Pilipinas, maging parte o maaring gawing probinsya ng Espanya ang Pilipinas upang sagayon ay magkaroon na pantay na pagtingin at karapatan. Maaring isang rebolusyonaryo dahil sa kanyang pagsulat bilang pagtuligsa sa katiwaliang ginagawa ng mga prayle sa mga Pilipino.

Nabangit sa pilosopiya ni Rizal na ang Pilipinas ay hindi dapat pinapakinabangan ng mga mananakop sa ating bansa partikular ang bansang Espanya ang kanilang personal na interes kundi sa interes ng nasakop at ipairal ang wastong pamamahala at walang masamang hangarin kundi ang pasulong na hakbang ng ekonomiya at katayuan ng bansa. Ngunit nag-iba ang pananaw ni Rizal sa pagiging kolonyalismo ng bansang Espanya sa ating bansa dahil sa mga katiwalian, korupsyon, at pangsariling intensyon ng mga prayle ang kanilang hangarin. Yari ay gawing watak-watak ang mga Pilipino upang sagayon ay maiwasan ang pag - aalsa at sapat na edukasyon upang maging mangmang habang sa kanilang pamamahala. Ngunit hinangad ni Rizal anf edukasyon at nagpunta siya sa Europa upang maging dalubhasa sa medisina at kasabay ng kanyang pagiging dalubhasa ay ang pagkamulat ng mata niya sa kalaayaan at pagiging liberal na dapat sa Pilipinas ay umiiral. Upang matamo ng Pilipinas ay si Rizal ang gumawa ng mga hakbangin upang tuluyan matamo ng Pilipinas ang kinaasam-asam na kalayaan.


...Nasyonalismo at Pakabansa


Bago pa man dumating ang dayuhan sa ating bansa ay mayroon na tayong sariling wika, kultura at mga kaugalian ngunit hindi pa pumapasok ang konsepto ng nasyonalismo at pamamahal sa bansa. Nang dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay inihambing nito ang kanilang layunin at relihiyon sa ating native na relihiyon upang tuluyang makuha ang tiwala at interes ng ating mga ninuno. Tuluyang nabura ang ating sariling atin sa larangan ng wika, relihiyon at kultura.

Kung ating bibigyang pansin ang 3 stanza ng tula ni Rizal na sinulat noong siya ay bata pa, "Sa aking mga kabata"

"Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una"

Dapat nating bigyan importansya ang ating wika, sariling kultura, at kaugalian. Katulad ng wikang Espanyol ay kailangan natin bigkasin at sanayin. Nagbalik si Rizal sa Pilipinas upang siya mismo ang kumilos at ipakita na hindi lamang niya sa kanyang pagsulat ng Noli at Fili ang ginagawa niyang pag-aalsa kundi sa kanyang pagkilos at pagsasagawa ng mga hakbangin upang maimulat ang mga Pilipino sa katotohanang nangyayari sa kanilang paligid sa ilalim ng pamamahala ng mga prayle. Ayun sa sinulat ni Rizal sa El Filibustersimo ang pagbabalik ni Simoun sa galing ibang bansa upang maghiganti sa mga prayleng umapi at magising ang mamayang Pilipino.



...Karapatang Pantao


Isa sa mga natutunan ni Rizal sa bansang Europa ang pagiging liberal at kalayaan ng bawat mamamayan na pag-usapan ang politika at ang mga katiwalian na napapansin. Ipinakita sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang mga katiwaliang nangyayari sa ating lipunan habang ang mga Pilipino ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga prayle. Importante kay Rizal ang kalayaan ng bawat Pilipino dahil sa tayo dapat ang namumuno sa ating lipunan at ang bawat karapatan ng bawat isa ay may bisa at binibigyang importansya.

Dapat ay pantay pantay ang pagtrato sa bawat tao kahit ano pang nasyonalidad ito, mayaman man o mahirap. Si Rizal ay walang problema na maging kolonya ang Pilipinas basta itrato bilang kapantay ang mga Pilipino at sila ay mabigyan ng parehong oportunidad sa mga Kastila. Malaya man o parte ng isang kolonya, gusto lamang niya kung ano ang higit na nakakabuti sa Pilipinas at sa mga tao rito.



...Ekonomiya at Pagunlad ng Bansa



Ayon kay Rizal ang pagbabago ay magmumula sa mga Pilipino. Kailangan matugunan natin ang mga pangangailangan upang tuluyang makamtan ang inaasam na kalayaan. Edukasyon, hindi lamang sa paggamit ng dahas at pagdalak ng dugo ang kasagutan upang mahugis ang lipunan sa ilalim ng mga prayle kundi sa kaalaman at wastong pamamahala. Kaya ito ang unang hakbang ni Rizal upang maimulat ang mga Pilipino kundi din dahil ito ang magiging pundasyon o haligi ng ating lipunan patungo sa kaunlaran.

Ayon sa political na pilospiya ni Rizal, ang Pilipinas ay dapat pausbong sa kaunlaran hindi paatras, ang pagpapahalaga sa karapatan at kalayaan ng bawat isa, applikasyon ng reporma at paggawa ng batas na naayon sa lipunan, at tamang pamamalakad sa mamamayan. Tinuligsa ni Riza ang maling pamamaraan ng pamamahala ng mga prayle sa Pilipinas, ang sapilitang paggawa, ang sobrang pagtaas ng bayad ng buwis, pag-aabuso ng kapangyarihan tungo sa exploitasyon, diskriinasyon, ang pagtatanim ng takot gamit ang relihiyon, ginagawang ignorante ang mga Pilipino upang maiwasan ang pag-aalsa, at sa lahat ang pagiging alipin ng mga Pilipino. Tinukoy niya ito sa kanyang mga nasulat, makikita ito sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo halimbawa na lamang dito ang pagsisimba dahil ito ay isa lamang obligasyon na ginagawa ng mga Pilipino dahil utos ng mga prayle, nasaan ang kahulugan at "significance" para sa mga Pilipino?


Emil Pagkaliwangan