We would like to acknowledge the source of all the images in this site. They are the following:
Flickr images
esbertodyan.santosjose.santosjijo.tanadrian.pagkaliwanganemil.miranoveronica.yamakawakenji
Pagbabayad ng Buwis
Para magkaroon ng malaking kita nag gobyerno, nagpataw sila ng mga buwis sa iba’t ibang paraan. Ang “identity paper” ng mga Pilipino noon ay may karampatang buwis na pwedeng bayaran sa kahit anong paraan na nagkakahalagang 8 reales. Di kalaunan ito ay nagging 15 realeas. Ang sampo ay napapapunta sa gobyerno, ang isa ay sa kaban ng komunidad at ang natitirang 3 reales ay sa simbahan napapapunta. At may karagdagan pang isang real para sa tithes(diezmo prediales). Nangongolekta din sila ng bandala na kada taon mula sa naani ng mga Pilipino, isang halimbawa ay palay. Mayroon pang buwis na kinakaltas mula sa kinita ng isang mamamayan. Ang “identity paper na ito ay tinawag nang Cedula Personal na kung saan lahat ng mga Indio na may edad 18 to 60 ay kumuha at magbayad.
Polo y Servicio
Ito ay ang sapilitang pagtatrabaho ng mga kalalakihan sa loob ng 40 araw. Ang may edad 18 – 20 ay inoobliga na mabigay ng personal na serbisyo sa mga proyekto ng komunidad. Kailangan nilang magbayad ng falla na nagkakahalagang isa’t kalahating real kada araw. Noong 1884, sa halip na 40 araw, ginawa na lamang itong 15 araw.
Sistema sa Encomienda
Ito ay ang pamamahala ng lupa na kung saan ang isang Espanyol na tinatawag na Encomendero ay binibigyan ng karapatang mamahala sa kapirasong lupa pati na rin sa mga nakatira rito. Kailangan ng Encomendero na protektahan ang lupang nakaatas sa kanya, kasabay ng pagpapanatilin ng kapayapaan at kaayusan. Kapalit ng serbisyo nya, parte ng tributong kinokolekta nya ay napapapunta sa kanya at ang natitira ay mapupunta lahat sa simbahan.
Kalakalang Galleon, Manila – Acapulco
Ito ay ang pakikipagkalakalan ng mga Intsik at Espanyol sa Maynila at Espanyol sa Mexico. Nagdulot ito ng pag – unlad ng ekonomiya. Gayon pa man, mayroon itong masamang naidulot dahil ang mga ibang pagkakakitaan ay hindi napagtuunan ng pansin dahil sa kalakalang Galleon at masyadong nagagamit ang pwersa ng mga tao sapolo y servicio kaysa sa mga ibang pagkakakitaan.
Royal Society of Friends of the Country
Bilang pagsunod sa utos na magtayo ng “society of intellectuals” na makakapagbigay ng bagong at kapaki – pakinabang na mga idea, itinatag ni Jose de Basco y Vargas ang Real Sociedad Economica de Amigos del Pais. Ito ay kinabibilangan ng mga nagpipitagang negosyante ng bansa at mga iba pang mga personalidad na mahusay sa kanilang larangan. Inatasan silang magsaliksik at gamitin ang mga yaman ng bansa kaya nabuo ang Plan General Economico ni Basco na kung saan ang monopoly sa areca nut, tabako, alak at pampasabog ay ipinatupad. Nagbigay ito ng daan para magkaroon ng panglokal at banyagang iskolarsyip at pagsasanay sa agricultura pati na rin ang pagtatag ng akademya ng disenyo.
Royal Company of the Philipines
Noong Marso 10, 1875, binuo ni Charles III ang Royal Philippine Company na pinapalooban ng kasunduan sa 25 taon. Binibigyang prebilehiyo na itatag ang monopoly sa Maynila sa Pilipinas at ang mga produkto ng Instik at Indiano ay direktang ipapadala sa Espanya sa pamamagitan ng Cape of Good Hope. Ito ay sinalungat ng ibang bansa , Englatera at Britania, dahil nakita nila na ito ay isang diraktang pag – atake sa mga kalakalan ng mga Asyanong produkto. Ito din ay sinalungat ng mga taong nakikinabang sa kalakalang Galleon dahil parang kinakalaban nito ang kanilang pangangalakal. Ang mga argumentong ito ang nagging sanhi ng unti – unting pagkawala ng Royal Philippine Company at kalakalang Galleon.
Sa loob ng 300 taon, hindi maikukubling naapektuhan ng kolonyalismo ng Espanya ang mga gawi ng mga Pilipino. Kahit mayroong pagtutol, nakikita pa rin natin na ang mga Pilipino ay natututo na ring gamitin ang kultura ng mga Espanyol . Unang – una na dito ang pagtatayo natin ng bahay na bato na hindi maikukubling pinasimulan ng mga Espanyol. Nakasanayan na rin ng mga Pilipino ang mga lutuing Espanyol pati na rin ang uri ng kanilang pananamit. Gumagamit na rin ang mga Pilipino ng Gregorian Calendar, skriptong Latin, Theocentric art, musika, literature at estilo ng edukasyong libre ngunit sapilitan.
Sa kabila ng lahat ng ito, ang mga Pilipino ay hindi lubusang hispanisado kahit pa maraming pagbabago ang naganap. Nananaig pa rin ang kulturang Pilipino na kahit gano man katagal ang Pilipinas na nasakop, hindi ito mawawala sapagkat ito ay likas na.